Friday, August 6, 2010

Haunted

Ang buhay nga talaga mapaglaro. Ang hirap tarukin.
Kung anu-ano na lamang ang naiisip ko. Kahit nasa trabaho, meron pa ring mga di inaasahan na pwedeng mangyari. One minute I'm sitting with happy thoughts, one minute I'm drowned with guilt and blames and shame I brought to myself. Masakit isipin na kahit ga'no ako kasaya, may pagkakataon na bigla ko na lang maiisip ang mga bagay-bagay na nagawa ko dati. Lalo na lahat ng kamalian ko. I pity myself. It doesn't sound right, but I feel it. Sinisisi ko sarili ko sa lahat ng kamalasan at lahat ng paghihirap na nararanasan ko ngayon.
Makikita ng tao na masaya ako. Ang di nila alam, naghihirap ang kalooban ko. Mabigat. Masakit. At ang lalim ng tama sa puso. Baon na parang pana na mahirap tanggalin pag tumama na. Mas masakit pa lalo kasi walang nakakaalam na eto 'yong nararamdaman ko lalo na 'pag nag-iisa na. Kung kelan na tumatanda ta'yo. at kung saan alam natin kung ano ang tama at mali, do'n pa tayo lalo nakakagawa ng mga maling desisyon. Madami na 'kong nagawa. Halos lahat ng mga MAJOR decisions na ginawa ko sa buhay ko ay mali.
Masakit isipin at balikan na ang dating ako, eh malabo ng bumalik pa. Complicated na masyado ang mga bagay-bagay.
Isang pangyayari lang ang sinimulan ng lahat ng mga kamalian ko. Isang pangyayari na habang buhay ay maaalala ko. Kung ano man ito..malalaman mo din.
Kahit papano nakakagaan ng pakiramdam ang pagsulat ko nito.
Salamat sa pagbasa.

2 comments:

  1. kaya ako yong pagsusulat sa blog ang way ko para matanggal ang stress..chill lang...relax!!! sulat lang ng sulat.

    ReplyDelete
  2. kaya nga po eh. sana dami pakong masubaybayan dito. pwede pong humingi ng tulong? interesado lang po akong madagdagan tong followers ko para mai-share sa iba. PLU. yan po. hirap kasi. thanks po.

    ReplyDelete