Thursday, August 5, 2010
tired and weak..
A week ago, I had chills. Reported to work for friday shift July 25, 2010 kahit may trangkaso. I started my shift 1AM technically July 26, 2010 na ng madaling araw. I forced myself to take calls since that was a critical working day (don't want to get focus alert for a single instance of being absent). Hinihingal habang nagtetake ng calls and finally di na kinaya ng katawan. Nangangatog na mga tuhod, ginaw ang nararamdaman, masakit ang ulo at nanghihinang katawan. I waited until my lunch break at 5:30AM(kahit umaga na LUNCH pa rin tawag don) to take a rest. Pumunta ng clinic only to see the note: NURSE IS ON BREAK. WILL BE BACK AT 5:45AM. I waited hoping to consult the nurse. Naconsume lang 'yong lunch break ko na 1hr until 6:30AM walang nurse na nagpakita sa clinic. Bumalik ako sa production floor to take calls (kahit paos na at giniginaw pa rin). Finally, sa awa ng supervisor ko pinalog-off ako at pinapunta sa clinic after calling to confirm the nurse presence. I was instructed to go to the clinic. Guess kung anong bumungad na note sa pintuan: NURSE IS CURRENTLY OUT FOR EMERGENCY. Ang kawawang ako, returned sa production floor. Lumapit sa supervisor na halatang concern. Di nga lang alam kung anong gagawin 'cause she cannot send me home without the permission from the clinic. Isinama ako ng supervisor ko para kausapin ang mga tao sa Ops( for Operations). Tinawagan ang clinic. Wala nga ang nurse. Nasa hospital. Ang sabi, babalik daw in a while and I have to wait. Ako naman eh simple lang---namumutla na. The operations people cannot decide pa din kung ano'ng dapat kung gawin. Either I go back and take calls or continue being offline (and my productivity will suffer daw). Napressure tuloy ako. In the end, I decided to rest. Bahala na bumaba 'yong productivity ko basta makapagpahinga ako. My supervisor sent me to the clinic and have me waited 'till the company nurse arrives. Dumating nga after mga 20mins na nakahiga ako sa bed. Had myself checked-up and finally nakakuha ng send home notice. 'Yon! nakauwi din sa wakas. Swerte na lang kasi rest day na so meron akong dalawang araw para makapagpahinga ng maayos. Pagdating ng bahay, pagod ang katawan. Di alam kung anong ngyayari. Blangko 'yong isipan. Walang ganang kumain (although naghahanap ng prutas). I just took medicines para gumaling. Nawala nga ang lagnat pero naiwan naman 'yong sipon. The following week na bumalik ng trabaho, andyan pa rin si sipon. Ayaw matigil. Taking calls with running nose? Kainis! Naubos ko isang bundle ng tissue paper (not kidding). After mga ilang araw, unti-unting nawala 'yong sipon ko pero wait, there's more! Ramdam ko ang unti-unting pangangati ng lalamunan ko. And now? Eto kumakahol na'ko. Kelan pa to matatapos? Get well soon to myself. Thanks for reading this post. This is me---when sick and tired... I'm weak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment